Like mo page ko sa Facebook!

Like mo page ko sa Facebook: https://www.facebook.com/akosibarbasor

Wednesday, January 29, 2014

Ano ang nauna, itlog o manok?

Isang matagal nang issue ng mga taong tambay, walang magawa sa buhay, at mga nagmamagaling lang talaga ang kung ano ba ang talagang nauna, itlog o manok? Kaya sasabihin ko na ang totoong sagot.





Ngayon, depende sa kung anong klase ng tao ka ang sagot diyan. Kung relihiyoso ka, ang sagot ay ang number 1 sa baba. Kung siyentipiko ka ang sagot ay number 2 sa baba.

1. Ginawa ng Diyos ang lahat ng hayop. Hindi sya gumawa ng itlog. Period.

2. Mga 3.6 billion years ago, nag-umpisa ang mga living things sa mga simple cells (prokaryote). Kumalat sila sa mga habitable zones sa Earth, dahil wala naman ibang living thing eh. Dahil sa iba iba ang klima ng mga lugar na napuntahan ng mga prokaryote na ito, natuto sila mag-adjust. Yung ibang prokaryote naging matibay sa lamig, yung iba matibay sa init. May mga lugar na masyado maraming prokaryote at kinukulang ang mga available na pagkain, kaya ang mga nandito natuto kainin ang isa't isa - eto ang mga naging animals. Sa mga lugar na konti ang prokaryote natuto sila mag-produce ng sarili nilang pagkain, naka-develop sila ng paraan para gamitin ang kapaligiran at ang energy na galing sa araw para sa metabolismo nila - eto ang mga naging halaman. Billions of years after that, pagkatapos ng napakaraming taon nang adaptation, nagkaron ng iba ibang klase ng mga hayop at halaman - lahat sila nag-adapt para sa kanya kanyang kinapu-puwestuhan sa mundo. Isa na dito ang manok.

Ok nandito na tayo sa manok. Ngayon, yung pinaka-unang manok, yung tatay at nanay nya ay hindi manok. Ha? Bakit? Kase nasa period pa noon nang pag-a-adapt ang manok. Katulad na lang pag nag-asawa ang isang Pinay at isang Amerikano - ang anak nila hindi Pinoy, hindi rin Amerikano.

Ang genetic make-up ng mga magulang ni First Manok ay hindi pang-manok. Pero nung nagsama ang genes ng magulang nya ang naging resulta ay sya - ang first Manok. Pero! Bago sya naging manok, sisiw muna sya, at bago sya naging sisiw napisa muna sya galing sa itlog. kaya nauna ang itlog kesa sa manok.




2 comments: